Friday, September 18, 2015

Pork steak



          Ang mga pogi nag hahanap din ng asim hindi lang sa babae , kundi sa pagkain din kung kayat mahilig akong kumain ng pork steak na nakakapagpakilig sa akin.


Mga Sangkap:

1 kilo Pork Steak - mabibili ito sa mga supermarket. pwede din yung porkchop.

1/2 cup calamansi juice

soy sauce

salt and pepper

1 cloves garlic

1 medium onion

Maggie magic Sarap

cornstarch

olive oil


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang pork steak sa calamansi juice, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas matagal i-marinade mas mainam

2. Sa isang non-stick pan, i-prito ng walang mantika ang karne. From time to time pahiran ito ng pinaghalong olive oil at soy sauce.

3. Kung sa tingin nyo ay luto na, hanguin ito sa isang lalagyan. Huwag i-over cooked.

4. Sa isang kasirola, mag-gisa ng bawang at sibuyas sa olive oil.

5. Ilagay ang inihaw o piniritong pork steak. Maaring hatiin ang karne kung masyado itong malaki.

5. Ibuhos sa niluluto ang pinagbabadan ng karne, lagyan ng soy sauce. Maari dagdagan ng kaunting tubig at takpan.

6. Kung sa tingin nyo ay malambot na ang karne, maari na itong timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap.

7. Lagyan pa muli ng katas ng calamansi. Mga 5 pcs.

8. Magtunaw ng cornstarch sa tubig at ilagay sa niluluto para lumapot ang sauce.

9. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng onion rings sa ibabaw.

10. Ihain habang mainit

No comments:

Post a Comment