Friday, September 18, 2015

Pan pizza


   
          Ang mga pogi tulad ko ay mahilig din kumain ng pizza. Dahil sa madami itong sangkap, medyo mahirap ang proseso ng pagluluto nito pero masarap naman:

Ingredients..

Pizza Sauce
Pizza Crust
      1 to 2 servings..double the ingredients for more pieces.
       1 cup all purpose flour
       1/4 cup beer( Purpose ng Beer,Nagpapalambot ng arina,at kapalit ng yeast,Remember Beer is a yeast too..)
       1 tsp salt
       sugar..2 tsp or 1 tbsp
     ( a pinch of black pepper and dried basil leaf (Optional) )
      1 tbsp olive oil
      1 tsp baking powder

Cheese..any cheese basta melting
Toppings..according sa gusto

How to make Crust without using the Yeast..
1 to 2 serving is 1 cup flour..Double the ingredients to make more pie



 Sa isang mixing bowl,maglagay ng 1 cup na arina..
at taktakan ng dried basil leaf at paminta..
1 tsp asin..at asukal.1 tbsp para sa matamis ang dila..
matabang kung di lalagyan ng asukal..lasa lang siyang cracker..
Haluin muna ang oil sa arina..hanggang di na makita ang oil..
lagyan den natin ng 1 tsp of baking powder..
then haluin ito
Maghanda ng di malamig na beer..ibuhos sa baso at alisin munang mawala ang bula..
1/4 cup na beer,ihahalo sa arina...dahan dahang ihalo ang beer, habang hinahalo ang arina..
Haluing mabuti hanggang mawala ang lagkit ng mamasahing dough.
 At at ikneed sa kamay ,masahihin ng ilang minuto then ibilog at ipahinga ng 30 minutes until one hour..
cover with cloth .
After the rested dough...gumamit ng roller para maflat ang dough..
gawing elastic ang dough..gumawa ng pizza crust..
Ang nipis o kapal ng crust ay depende sa inyong pag pa flat..
 higit higitin ng kaunti para mabanat..o paikot ikutin sa ibabaw ng kamay..gumamit ng teknik .
 At kung satisfied na sa nipis ng crust..ilatag at pahiran ng pizza sauce at ng mga paboritong toppings..
at cheese..
Ang mga maiitim na nakikita sa crust ay paminta at dried basil
Ang paglalagay ng toppings ay maaring gawin sa loob na ng frying pan..or buhatin papunta sa pan.
Kailangan ng lapat na kawali para pantay ang pagluluto ng pizza ,at takip para maipon ang init sa pagluluto ng pizza..
Then magpainit ng kawali at lagyan ng kaunting oil.
paininiting mabuti , bago isalang ang pizza .
Hayaang maluto ang crust ng nakatakip..alalayan ang niluluto para di masunog ang ilalim.
 Kapag sa palagay nyo na luto na ang crust.Patayin ang apoy ng kalan ,at iwan muna ng ilang minuto para matunaw ang cheese..Kung makapal ang crust na ginawa ,hindi basta matutunaw ang cheese..so,
Kahit patay na ang apoy sa kalan,Hayaang matunaw ang keso sa loob ng frying pan..
 Kung okay na..serve and cut the pizza..Enjoy..





No comments:

Post a Comment